Karangalan at Responsibilidad: Pagpupugay kay Hidilyn Diaz, Doctor of Humanities, Honoris Causa | contributed by Coach Noli Ayo

(Regular Dateline Ibalon contributor, Coach Noli Ayo, witnessed a historic first for the Philippines’ Olympic Gold Medalist, Ms. Hidilyn Diaz OLY when she was conferred with the degree Doctor of Humanities, Honoris Causa, a first at the University of Saint Louis Tuguegarao, last February 9, 2026. With her permission, Coach Noli published her inspiring acceptance message in his Medium account, )


Kasama ni Ms. Hidilyn Diaz si Coach Noli Ayo, Ms. Paola Gumpal, at Coach Julius Naranjo, ang kaniyang kabiyak (credit: The Louisian Courier)

Magandang umaga po sa inyong lahat. Una sa lahat, taos-puso po akong nagpapasalamat sa mainit ninyong pagtanggap at sa pagbibigay-pugay sa akin — hindi lamang para sa aking tagumpay sa Tokyo 2020+1 na bilang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng Olympic gold medal, kundi pati na rin bilang kauna-unahang Doctor of Humanities, Honoris Causa ng University of Saint Louis Tuguegarao.

Lubos po akong nagpapasalamat sa karangalang ito at sa pagkakataong maging bahagi ng napakahalagang selebrasyon ng ika-61st founding anibersaryo ng USLT. Maraming salamat po sa USLT President, Father McWayne, sa Board, administrators, staff, faculty, at sa mga estudyante ng University of Saint Louis. Maraming salamat din kina Councilor Charo, Sir Noli, at lalong-lalo na sa aking asawa na narito po ngayon. Salamat sa walang sawang suporta at pagmamahal.

Ike-kwento ko na rin sa inyo, noong una, hindi ko talaga alam kung ano ang honoris causa. Tinanong ko pa nga si Sir Noli, “Deserve ko po ba talaga ito?” At syempre, naisip ko rin… baka ma bash ako. Kaya nag-Google po ako. At ayon sa Google, ang Doctor of Humanities Honoris Causa is an honorary doctorate, a distinction conferred by the university upon an individual who has made an outstanding contribution in their field of expertise. Naisip ko, Doctorate? ‘Di ba ito yung may PhD sa dulo ng pangalan, minsan may “Dr.” pa sa unahan? Eh hindi naman po ako nag-aral para doon. Ang meron lang po ako after ng pangalan ko… OLY. Pero doon ko po napagtanto, ang pagkilalang ito ay hindi lang tungkol sa titulo. Ito ay tungkol sa impact. Ang panalo natin sa Tokyo Olympics 2021 ay higit pa sa isang medalya.

Si Ms. Hidilyn Diaz bago niya tinanggap ang karangalang Doctor of Humanities, Honoris Causa (credit: The Lousian Courier)

Noong panahong akala natin imposible para sa isang Pilipino ang manalo ng gold sa Olympics, nagawa natin. Naalala ko po noong 2020, nang inanunsyo na postponed ang Tokyo Olympics dahil sa COVID-19. Grabe po ang iyak ko. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas. Apat na taon po akong naghanda para sa Olympics. Marami po akong isinakripisyo, eskwela, oras sa pamilya at mga kaibigan, at maging ang buhay sa labas ng sports. Sa gitna ng lahat ng iyon, nagdasal po ako kay God: “Lord, gamitin Mo po ako para magbigay-inspirasyon sa mga Pilipino.” Na sana, kahit sa panahon ng pandemya at matinding pagsubok, mabigyan tayo ng pag-asa, ng lakas ng loob mangarap, at ng kakayahang makita ang mas malaking larawan ng buhay.

Hindi ko po inakalang ang unang Olympic gold medal ng Pilipinas ay magiging simbolo ng pag-asa — lalo na para sa mga kabataang Pilipino at sa buong bansa noong panahon ng pandemya. Kaya maraming salamat po sa pagkilalang ito. Pero ang tagumpay na ito ay hindi lang tungkol sa panalo. Ito ay kwento ng sipag, tiyaga, pananampalataya, at pagkakaroon ng isang team or grupo ng mga tao na naniwala at sumuporta sa akin sa bawat hakbang ng aking journey.

Maraming salamat po sa buong University of Saint Louis sa pagpili sa akin bilang kauna-unahang tatanggap ng Doctor of Humanities, Honoris Causa. Salamat sa pagkilala sa aking pagsusumikap na irepresenta ang ating bansa sa larangan ng weightlifting, at sa pagkakita ninyo sa epekto at kapangyarihan ng sports para sa ating bayan. Sa wakas, masasabi po natin: Kaya nating manalo ng gold sa Olympics. At higit sa lahat, kaya nating abutin ang anumang pangarap na inilagay ng Diyos sa ating puso.

Ang buong Board of Trustees ng USLT ay nagbigay suporta sa pagdangal kay Ms. Hidilyn Diaz (credit: The Louisian Courier)

Ang pagkilalang ito ay hindi po pagtatapos ng aking misyon para sa weightlifting at para sa Pilipinas. Bagkus, ito po ang simula ng panibagong yugto upang ipaalala sa bawat Pilipino na balang araw, sila rin ay maaaring makilala dahil sa kanilang kabutihan, husay, paglilingkod sa kapwa, at pagmamahal sa bayan.

Lahat po tayo ay may regalong bigay ng Diyos. Nasa atin po kung paano natin ito pahahalagahan, paunlarin, at ibahagi sa mundo. Iniuugnay ko rin po ang karangalang ito sa aking karanasan sa Beijing Olympics — noong hindi ko pa nga alam kung ano ang Olympics. Parang kinuha lang po ako, isinama bilang wildcard, nakita ang potensyal — at doon po nagsimula ang lahat. Dahil sa karanasang iyon, natutunan kong mangarap nang mas mataas, maniwala sa posibilidad, at magpatuloy kahit mahirap, hanggang sa makamit ang pangarap.

Ipinapakita sa header noong tinangap ni Ms. Hidilyn Diaz ang karangalang Doctor of Humanities, Honoris Causa magmula sa University of St. Louis Tuguegarao (credit: The Louisian Courier)

Basahin ang tungkol kay Hidilyn Diaz sa Wikipedia.

About the contributor

A hopeful visionary and an inspiring storyteller, Coach Noli Ayo is a believer that sports, if placed in hands of the right people, has the power to change the world. He is a published writer through the books Winning Still and The Mindanao Peace Games. A leading figure in Philippine sports, he is the founder and convener of the Mindanao Peace Games, Assistant to the President for Sports and Development of the Lyceum of the Philippines University in its Davao, Batangas, and Laguna campuses, and the Mindanao Coordinator of the Philippine Sports Commission.

Emmanuel Rene “Noli” S. Ayo is the eldest child of two Ateneo De Naga alumni – Ramon Nonito Ayo (ADNU HS 1974) and Asela San Andres (ADNU College 1982)

Share this:

Leave a Reply