Show Up | Coach Noli Ayo

This article was first published in medium.com, December 14, 2024.

Interview with CNN Philippines in 2017 about the Mindanao Peace Games (click image to view video)

Coach Noli Ayo shared a video to start his keynote message during the Coaches’ Accreditation held last December 11, 2024 at Datu Paglas National High School in Maguindanao. This was a 2017 interview with CNN Philippines about the Mindanao Peace Games. After playing the video, Coach Noli delivered the message shown below to close to 500 coaches and sports leaders who attended the annual Coaches Accreditation held in Datu Paglas National High School in Maguindanao.

Sa ating host principal — Bai Badria Talembo; sa ating local na mga pinuno — Hon. Datu Abubakar Paglas (Mayor) at Hon. Datu Ibrahim “Junjun” Paglas (Vice Mayor); sa ating Assistant Schools Division Superintendent — Dr. Alton Ampang; sa mga sports leaders at school heads na kasama ko ngayon sa entablado; at sa inyo lahat na nandito ngayong umaga-

Magandang umaga po. Assalamualaikum.

2017 nung ginanap ang interview na nakita nyo. Si Rashid, Jehan at si Alyana — sabay sabay na pumunta ng Manila para sa interview with Andrei Felix ng CNN. Lahat sila galing ng Datu Paglas, Maguindanao.

Ang tumatak sa akin ay si Alyana — maraming first time na nadaanan dahil sa pangyayaring ito…

First time sumakay ng eroplano
First time makarating sa Maynila (at maranasan at traffic nito)
First time ma interview sa TV (at may nag make up pa sa kanya bago sumabak sa entablado)
First time mag stay sa 5 star hotel (may benefactor kami na nag sponsor sa kanilang tatlo na mag overnight sa isang mamahaling hotel sa Ortigas)
Coach Noli Ayo addressing the coaches and sports leaders at Datu Paglas National High School in Maguindanao

Kung kayo si Alyana, ano kaya mararamdaman nyo? High school dyan si Alyana — ngayon, Nursing student na sya at based na sa Marbel sa South Cotabato.

When was the last time you did something for the first time? Kay Alyana, nuong 2017, madaming first time na nangyari dahil sumipot sya sa imbitasyon ko na sumama kay Coach Rashid at Ma’am Jehan sa Manila.

Bakit kayo nandito ngayon? Kayo ba ay kusang pumupunta sa mga ganitong pagtitipon or kayo ay nandito dahil required at napag utusan ng supervisor? Huwag nang mahiya — marami ang ngumingiti sa inyo. Ano man ang dahilan nyo bakit kayo nandito — ang mahalaga ay NANDITO KAYO.

Kagaya ni Alyana at ni Rashid sa video, kaya sila kasama sa interview na yun ay dahil nung inimbitahan ko sila — may lakas sila ng loob na tanggapin ang imbitasyon at dumating sila para tanggapin ang pagkakataon. They showed up. Good things happen to people who show up.

Sa susunod na tatlong araw, ngayon, bukas at sa Biyernes — iniimbitahan ko kayo na sumipot at handang matuto. Magpakita bawat session at ibigay ang buong puso nyong atensyon at pagnanais na matuto.

Ang sports sa BARMM ay aangat lamang kung ang mga coaches dito ay iaangat din ang inyong isipan at kakayahan. Kung pang piso lang ang halaga ng kaalaman nyo, pang piso din lamang ang kaya nyong gawin. Angatin ang halaga ng isipan at aangat din ang halaga ng inyong kayang gawin.

Photo of Erika Said (credit: Bangsamoro Sports Commission FB Page

Last week, sa Puerto Princesa, nag participate ang BARMM for the first time as a BARMM delegation sa BIMP EAGA Friendship Games. Makasaysayan ang ilang araw na yun para sa mahigit kumulang na 37 coaches and athletes na nag participate.

Nakasama ko sila nung December 3 nung nag host ang Bangsamoro Sports Commission ng dinner para sa lahat na delegates from BARMM. Sa pagtitipon na yun, na meet ko si Erika Said, isang atleta from Sulu na nagkamit ng una at nag iisang ginto ng BARMM sa BIMP EAGA Games 2024. Sa maikling pag uusap namin ni Erika, nalaman ko na tatlong buwan pa lang syang naglalaro ng Pencak Silat — at unang pagkakataon nyang sumabak sa isang malaking kompetisyon.

Tatlong buwan palang syang naglalaro ng Pencak Silat at naka Gold na?! Siguro na swerte sya. Siguro hindi gaano kagalingan ang mga lumahok. Siguro sa araw ng kompetisyon biglang naging sobrang galing si Erika. Maraming pwedeng dahilan kung bakit sya nanalo kahit ilang buwan palang syang naglaro ng sport ng Pencak, pero sigurado ako na hindi sya mananalo kung di sya sumipot sa pagkakataon na binigay sa kanya sa BIMP EAGA Games.

Erika showed up and good things happened to her at the BIMP EAGA Games.

Kayong lahat ay nandito ngayon. Pagkakataon nyo na ipakita na pwede kayong maging mabuting bahagi ng sports sa Bangsamoro. Kagaya ni Erika, sumipot bawat araw, ibigay ang buong kakayahan para matuto, mag nais na maging mabuting coach at gabay ng inyong atleta, at pag natapos ang tatlong araw na ito — bumalik sa inyong mga paaralan at teams at sikapin na iangat ang kakayahan at isipan ng inyong mga atleta dahil sa matututunan nyo sa mga araw na ito sa Datu Paglas.

Coach Noli Ayo with coaches and sports leaders in Maguindanao

Magtulong tulong tayo para angatin ang kultura ng sports sa Bangsamoro. Mangarap ng mataas at gawin ang nararapat para mas dumami ang magagaling na coaches na meron tayo sa BARMM. At kapag madami na tayo, magkaisa at sabay sabay nating ayusin kung ano ang meron natin ngayon.

Kalaro, Kaibigan, Kasama. Tandaan ang mga katagang yan. Magsimula bilang magkakalaro sa sports meet. Maging magkaibigan matapos ang laro. At ang pinakamakapangyarihan dyan — maging magkasama. Magkasama sa pagnanais na maging mabuting lugar ang BARMM at mas maraming atleta ang maging mabuting bahagi ng Bangsamoro dahil sa mga coaches na kagaya nyo na gagabayan sila.

You showed up today. Good things happen to people who show up.

The header features images from the Mindanao Peace Games held on June 1-5, 2024 at the Iligan Medical Center College, Iligan City, Lanao del Norte. Over 600 women student-athletes from 17 universities across the region competed in nine sports, including basketball, volleyball, and football. (photos: Philippine Sports Commission – Mindanao)

About Coach Noli Ayo

A hopeful visionary and an inspiring storyteller, Coach Noli is a believer that sports, if placed in hands of the right people, has the power to change the world. He is a published writer through the books Winning Still and The Mindanao Peace Games. A leading figure in Philippine sports, he is the founder and convener of the Mindanao Peace Games, Assistant to the President for Sports and Development of the Lyceum of the Philippines University in its Davao, Batangas, and Laguna campuses, and the Mindanao Coordinator of the Philippine Sports Commission.

Emmanuel Rene “Noli” S. Ayo is the eldest child of two Ateneo De Naga alumni – Ramon Nonito Ayo (ADNU HS 1974) and Asela San Andres (ADNU College 1982).

Leave a Reply